^

Police Metro

5K cap sa nurses deployment sa ibang bansa pinalagan

Danilo Garcia - Pang-masa
5K cap sa nurses deployment sa ibang bansa pinalagan
Nitong Hunyo 1, ay ini­hayag ni Philippine Oversease and Employment Administration (POEA) Administrator Bernard Olalia na naabot na ang 5,000 cap na naipadala sa ibang bansa kaya pansamantalang hindi muna magpapadala ng nurses sa labas ng bansa.
STAR/File

MANILA, Philippines — Pumalag ang grupong Filipino Nurses United (FNU) sa ipinatutupad na 5,000 cap sa deployment ng mga nurses sa ibang bansa kada taon makaraang maabot na ang bilang para ngayong 2021.

Nitong Hunyo 1, ay ini­hayag ni Philippine Oversease and Employment Administration (POEA) Administrator Bernard Olalia na naabot na ang 5,000 cap na naipadala sa ibang bansa kaya pansamantalang hindi muna magpapadala ng nurses sa labas ng bansa.

Ayon kay Jocelyn Andamo, FNU secretary-general, hindi umano dapat ipatupad ang cap dahil sa marami at sapat naman ang mga nurses sa Pilipinas. Hindi naman umano magnanais ang mga nurses na umalis ng bansa kung sapat lamang ang kanilang mga suweldo at benepisyo na natatanggap.

Ayon pa sa FNU, higit sa 570,000 nurses ang pumasa sa Nurses Licensure Examination mula 2000-2019, base sa datos ng Professional Regulation Commission (PRC) at sa nasabing bilang, nasa 200,000 hanggang 250,000 ang lumalabas ng bansa para magtrabaho.

Kaya’t lumalabas na nasa 220,000 nurses ang walang trabaho o underemployed sa sariling bansa.

vuukle comment

NURSE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with