^

Police Metro

WHO ihahayag na ang gagamiting bakuna para sa solidarity trial sa Pinas

Pang-masa
WHO ihahayag na ang gagamiting bakuna para sa solidarity trial sa Pinas
Sinabi ni House Committee on Health kay Chairman Rep. Angelina Tan, nagbigay ng update ang project leader na si Dr. Jodor Lim ng University of the Philippines-Philippine General Hospital (UP-PGH) na magiging in-charge sa vaccine trial na gagawin sa National Capital Region.
Stock image: Pexels

MANILA, Philippines — Iaanunsyo na ng World Health Orga­nization(WHO) ang bagong COVID-19 vaccine na gagamitin para sa isasagawang solidarity trial sa Pilipinas sa susunod na dalawang Linggo.

Sinabi ni House Committee on Health kay Chairman Rep. Angelina Tan, nagbigay ng update ang project leader na si Dr. Jodor Lim ng University of the Philippines-Philippine General Hospital (UP-PGH) na magiging in-charge sa vaccine trial na gagawin sa National Capital Region.

Paliwanag ni Lim na ang ikalawang klase ng bakuna na gagamitin sa trial ay maaaring tukuyin ng WHO matapos naman ang isa o dalawang buwan.

Ang bakuna na gagamitin ay nasa “undergoing studies” stage pa lamang at hindi pa nabibigyan ng emergency use authorization (EUA) sa bansa.

Layon ng gagawing WHO solidarity trial na i-evaluate ang bisa ng efficacy ng candidate vaccines sa mga RT-PCR confirmed at symptomatic cases ng COVID-19.

Ang participants sa nasabing solidarity trial ay mga 18 hanggang 60-an­yos na hindi pa nababakunahan at nasa 15,000 participants ang kailangan.

vuukle comment

COVID-19

WHO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with