^

Police Metro

Arsenal ng DND sa Bataan sumabog: 2 patay

Doris Franche - Pang-masa

MANILA, Philippines — Dalawang katao ang nasawi habang sugatan ang dalawang iba pa sa naganap na pagsabog sa arsenal depot ng Department of National Defense (DND) sa Camp Gen. Antonio Luna, Brgy. Lamao, Limay, Bataan.

Kinilala ang mga nasawi na sina Ricardo Solomon, 40, ng Orion, Bataan; at Marvin Tatel, 38 ng Barangay Alangan, Limay, Bataan. Habang nasugatan naman sina Macreldo Rodriguez, 57 at Allan Wisco, 36, kapwa naninirahan sa Brgy. Lamao.

Sa imbestigasyon, alas-10:45 ng umaga kamakalawa sa Bldg. 27 ng DND Arsenal ay abala ang mga biktma sa paghawak ng mga chemical components na gamit sa paggawa ng primer na bala nang bigla itong sumabog.

Agad nasawi si Tatel habang nadala pa sa affirmary ng kampo si Solomon ngunit binawian din ng buhay bunsod ng tinamong pinsala sa katawan.

Nagtamo naman ng minor injuries ang dalawang iba pang kasama ng mga biktima na nasa gusali rin nang mangyari ang pagsabog.- Jojo Perez

vuukle comment

DEPARTMENT OF NATIONAL DEFENSE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with