^

Police Metro

3 milyong COVID-19 testing naisagawa ng PRC

Mer Layson - Pang-masa
3 milyong COVID-19 testing naisagawa ng PRC
Ayon kay PRC Chairman at CEO, Senador Ri­chard Gordon, hanggang 9:00 AM kahapon ng umaga ay nakapagsagawa na sila ng kabuuang 3,010,432 swab at saliva RT-PCR tests nationwide.
The STAR/Michael Varcas

MANILA, Philippines — Mahigit sa tatlong mil­yong COVID-19 testing ang naisagawa ng Philippine Red Cross (PRC) sa buong bansa.

Ayon kay PRC Chairman at CEO, Senador Ri­chard Gordon, hanggang 9:00 AM kahapon ng umaga ay nakapagsagawa na sila ng kabuuang 3,010,432 swab at saliva RT-PCR tests nationwide.

Ito’y may tatlong buwan lamang matapos na maabot nila ang 2 million milestone noong February 2021.

Matatandaang unang itinayo ng PRC ang ka­nilang unang molecular la­boratory para sa COVID-19 RT-PCR testing sa kanilang National Headquarters sa loob lamang ng 14-araw upang suportahan ang pagsusumikap ng pamahalaan na labanan ang virus.

Abril 14, 2020 nang pagkalooban ito ng akreditasyon ng Research Institute for Tropical Medicine (RITM), o isang buwan lamang matapos na ideklara ng World Health Organization (WHO) ang virus bilang isang global pandemic.

Sa kasalukuyan, ang PRC ay mayroon nang 13 molecular laboratories sa buong bansa nationwide. - Danilo Garcia

vuukle comment

PHILIPPINE RED CROSS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with