^

Police Metro

PNP nakaaresto ng 566,177 mga lumabag sa health protocols

Doris Franche - Pang-masa

CEBU, Philippines — Umabot sa mahigit kalahating milyon ang naaresto ng Philippine National Police (PNP) na mga lumabag sa mga umiiral na minimum public health standards mula Marso hanggang Mayo 7 ng taong ito.

Sa record ng PNP. nasa 566,177 ang nahuli  dahil sa iba’t ibang mga paglabag na kinabibilangan ng 219,778 sa hindi pagsusuot ng face shield; 226,904 naman ang hinuli dahil sa hindi pagsusuot ng facemask; 115,999 ang mga nahuli sa paglabag sa physical distancing at 3,496 ang nahuling nagsasagawa ng mass gathering.

Ang pag-aresto sa mga health protocols violators ay bunsod na rin sa pag-iingat na ipinatutupad ng pamahalaan upang maiwasan na mahawa at kumalat ang virus ng CoViD-19.

Ayon kay PNP chief Gen. Guillermo Eleazar, patuloy ang pag-aresto sa mga lalabag, idodokumento at agad ding pauuwiin, subalit kung paulit-ulit na maaaresto ang isang violator ay posibleng sampahan na ito ng kaso sa korte.

vuukle comment

HEALTH PROTOCOLS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with