Mahigit 18K katao, inaresto sa hindi pagsusuot ng face masks
MANILA, Philippines — Inihayag ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año na umaabot na sa kabuuang 18,862 indibidwal ang inaresto ng mga otoridad dahil sa hindi pagsusuot at maling paraan nang pagsusuot nito mula Mayo 6 hanggang 10 lamang.
Sa isang televised meeting kay Pang. Duterte, sinabi ni Año na sa naturang bilang, 9,379 ang binigyan ng warning; 8,027 ang pinagmulta; 491 ang pinag-community service; 904 ang inaresto at 61 ang isinailalim sa inquest proceedings.
Tiniyak ni Año sa pangulo na patuloy nilang ipinatutupad ang kautusang inilabas nito noong nakaraang linggo, na arestuhin ang mga taong matigas ang ulo at hindi pa rin tumatalima sa tamang pagsusuot ng face mask kapag nasa mga pampublikong lugar.
- Latest