^

Police Metro

Kasong rape at homicide vs 11 katao sa ‘Dacera’ ibinasura

Danilo Garcia - Pang-masa
Kasong rape at homicide vs 11 katao sa �Dacera� ibinasura
Matatandaan na nag-book sina Dacera at mga kasamahan sa dalawang kuwarto sa City Garden Hotel na ginamit nilang party place sa pagsalubong sa Bagong Taon. Mada­ling araw ng Enero 1 nang makitang walang malay si Dacera sa banyo ng isa sa kuwarto dahilan para isugod siya sa pagamutan.
Instagram/xtinedacera

MANILA, Philippines — Tuluyang ibinasura ng Makati City Prosecutor’s Office ang kasong rape with homicide laban sa 11 indibiduwal na sinasangkot sa pagkasawi ng flight attendant na si Christine Dacera noong nakaraang Enero 1.

Base sa resolusyon na inilabas ni City Prosecutor Joan Bolina-Santillan, ibinasura ang kaso dahil sa kakulangan ng “probable cause” lalo na nang hindi mapatunayan na nagkaroon ng krimen sa insidente.

Matatandaan na nag-book sina Dacera at mga kasamahan sa dalawang kuwarto sa City Garden Hotel na ginamit nilang party place sa pagsalubong sa Bagong Taon.  Mada­ling araw ng Enero 1 nang makitang walang malay si Dacera sa banyo ng isa sa kuwarto dahilan para isugod siya sa pagamutan.

Sa medico-legal report ng PNP, nasawi si Dacera dahil sa “ruptured aortic aneurysm” dahilan para sabihin na walang krimen na nangyari.  Hindi naman ito tinanggap ng pamilya ni Dacera.

Plano naman ng kampo ng mga akusado na magsampa ng counter-charge laban sa mga nag-akusa sa kanila kabilang ang perjury, malicious prosecution, libel at iba pa.

vuukle comment

CHRISTINE DACERA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with