^

Police Metro

Pulis na KIA, may P150,000 burial assistance

Doris Franche - Pang-masa
Pulis na KIA, may P150,000 burial assistance
Ito ang nabatid kay PNP Chief PGen. Debold Sinas matapos ang isinagawang pirmahan ng Memorandum of Understanding ng PNP at Cosmopolitan General Pre-Need Agency, Inc. (CGPAI) at Cosmopolitan Climbs Life Plan Incorporated (CCLPI).
The STAR/Edd Gumban, file

MANILA, Philippines — Nasa P150,000 ang matatanggap ng pamilya ng mga pulis na masasawi habang tumutupad ng tungkulin o yung tinatawag na “killed in action”.

Ito ang nabatid kay PNP Chief PGen. Debold Sinas matapos ang isinagawang  pirmahan ng Memorandum of Understanding ng PNP at Cosmopolitan General Pre-Need Agency, Inc. (CGPAI) at Cosmopolitan Climbs Life Plan Incorporated (CCLPI).

Ayon kay Sinas, layon ng kasunduan na mabig­yan ng kasiguraduhan ang bawat pamilyang maiiwan nang mga pulis sa pagpapatupad ng kanilang tungkulin.

Ani Sinas, mahirap sa pamilya ng mga namatay na pulis na mawalan ng mahal sa buhay subalit mas mahirap na walang pantustos sa pagpapalibing.

Dagdag pa ni Sinas, nais lamang nilang ma­bigyan ng maayos na li­bing ang sinumang pulis na masasawi habang tumutupad ng kanilang tungkulin.

Tiniyak pa ni Gen. Sinas ang agarang pag-release ng burial assistance sa mga iniwan ng mga bayaning pulis upang makabawas sa kanilang alalahanin sa panahon ng kanilang pagdadalamhati.

vuukle comment

POLICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with