^

Police Metro

P200K pabuya sa kasabwat ng gunman sa pagpatay sa truck driver

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines — Naglaan si Manila Mayor Isko Moreno ng P200,000 pabuya sa makapagbibigay ng impormasyon sa kinaroroonan ng isang motorcycle rider na nakunan ng video na inabutan ng bag na naglalaman ng baril na ginamit sa pamamaslang sa isang truck driver, sa Paco, Maynila, nitong Abril 19.

Ang rider ay isa umanong Alfredo Curita, 52-anyos, residente ng Barangay San Jose, Tiaong, Quezon.

Kaya’t nanawagan ang alkalde sa kaanak ni Curita na isurender na lang sa mga otoridad upang mabigyan ng pagkakataong idepensa ang sarili kaugnay sa pagpatay sa isang Elbert Silva, em­pleyado ng Quick Mover Cargo and Warehouse Corp., residente ng Paco, Maynila, noong Lunes, alas-8:00 ng umaga.

Batay sa closed circuit television recording makikita ang pagbaril sa likod ng ulo ni Silva habang naglalakad kasama ang ilang kasamahan sa trabaho sa Zulueta St.. Nagsitakbuhan papalayo ang mga kasamahan ng biktima sa takot na madamay habang kaswal na naglakad papalayo ang gunman na si Nestor Pe­rez, 57-anyos na pagsapit sa panulukan ng Amadeo St., ay nakita ang nag-aabang na si Curita na kumuha sa gunman ng bag na naglalaman ng ginamit na baril, bago mabilis na linisan ang lugar.

Napansin ng mga nagpapatrulya ng Paz Police Community Precinct ang komosyon, habang binubugbog ng mga residente ang gunman kaya agad ding naaresto.

vuukle comment

GUNMAN

ISKO MORENO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with