^

Police Metro

Taguig-LGU namigay ng food packs sa unang araw ng ECQ

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Agad sinimulan ng pamahalaang lungsod ng Taguig ang pamimigay ng food packs sa unang araw nang pagpapatupad ng enhanced community quarantine (ECQ) sa Metro Manila at apat na karatig probinsya nitong Lunes.

Nagbahay-bahay ang mga miyembro ng Barangay Affairs Office at Mayor’s Action Team upang ipamigay  sa 28 barangay sa Taguig ang mga ayuda.

Siniguro ni Mayor Lino Cayetano na may darating na stay-at-home family food packs sa mga pamilyang Taguigeño upang hindi na sila lumabas pa ng bahay at ma-expose sa banta ng COVID-19 sa kabila na bukas ang mga tindahan ng pagkain pati ng mga grocery, restaurant para sa take-out at delivery services.

Ang Taguig City stay-at-home food packs ay kumpletong magbibigay ng supply ng tatlo hanggang limang araw para sa pamilyang may limang miyembro.

Kasama rito ang bigas, mga delata, kape, energy drink at hygiene/anti-COVID kit na may kasamang face masks, face shields, alcohol at sabon para masiguro na protektado ang mga tatanggap nito laban sa COVID-19 virus.

vuukle comment

ECQ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with