^

Police Metro

Mag-asawang senior todas sa sunog

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Kapwa nasawi ang isang mag-asawang senior citizen nang makulong sa nasusunog nilang bahay sa Brgy,. Roxas District, Quezon City, kahapon ng madaling-araw.

Kinilala ang mga nasawi na sina Mariano Mejia Jr. at misis nitong si Benita Mejia, na kapwa 80-anyos at residente ng 93 Jasmine St., Brgy. Roxas District, Quezon City.

Sa ulat ng Quezon City Bureau of Fire Protection (BFP), pasado ala-1:00 ng madaling araw nang magsimulang sumiklab ang sunog sa ground floor, ng dalawang-palapag na bahay ng mag-asawa.

Sinasabing binalikan umano ng matandang babae ang kanyang asawang bedridden na upang iligtas, ngunit kapwa hindi na nakalabas ang mga ito ng tahanan matapos na mabag­sakan ng sahig na kahoy ng kanilang natupok na second floor.

Natagpuan na lamang umano ng mga bumbero ang mga bangkay ng mga ito sa loob ng kanilang silid habang nagsasagawa ng mopping operation.

Wala naman nang iba pang tahanan na nadamay sa sunog na naideklarang fireout matapos lamang ang isang oras.

Iniimbestigahan pa ang sanhi ng sunog, na tinatayang nasa P3 milyong halaga ng mga ari-arian ang natupok.

vuukle comment

SUNOG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with