^

Police Metro

91-anyos na lola patay sa sunog

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang 91-anyos na lola ang nasawi matapos na makulong sa loob ng kaniyang kuwarto nang sumiklab ang isang sunog sa kaniyang bahay sa Las Piñas City kamakalawa.

Ang nasawi ay kinilalang si Julieta Malasig, nakatira sa Yakal Street Brgy. Talon 3, ng naturang lungsod. Masuwerteng nakaligtas sa sunog ang nag-iisa niyang kasama sa bahay na si Elpedia Bobadilla.

Sa ulat ng Bureau of Fire Protection (BFP), alas-2:11 ng Linggo ng madaling araw nang sumiklab ang apoy sa mismong kuwarto na inookupa ng nasawing si Malasig. Hindi na nakalabas ng kaniyang kuwarto ang matanda nang mabilis na lamunin ito ng apoy at kumalat sa ibang bahagi ng bahay at ganap na alas-3:23 na ng madaling araw nang ganap na maapula ang sunog.

vuukle comment

SUNOG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with