^

Police Metro

Pinoy UK variant patient, negatibo na sa COVID-19

Angie dela Cruz - Pang-masa
Pinoy UK variant patient, negatibo na sa COVID-19
Ang nasabing lala­king pasyente na taga-Barangay Kamuning Quezon City ay sakay ng eroplano mula United Arab Emirates tinukoy na Covid-19 UK variant matapos ang kanyang business trip kasama ang nobya at dumating sa bansa nitong January 7.
AFP/Ted Aljibe

MANILA, Philippines — Inihayag kahapon ng Quezon City Local Government na negatibo ang resulta ng swab test sa Coronavirus Disease 2019 ang Pinoy na kauna-unahang nagpositibo sa United Kingdom variant ng virus na sinasabing mas nakahahawa.

Sa ngayon ay inaalam na ng mga doktor na sumuri sa kanya sa quarantine facility kung maaari na siyang makalabas.

Ang nasabing lala­king pasyente na taga-Barangay Kamuning Quezon City ay sakay ng eroplano mula United Arab Emirates tinukoy na Covid-19 UK variant matapos ang kanyang business trip kasama ang nobya at dumating sa bansa nitong January 7.

Sa ngayon ay umabot na sa 14 ang nagpositibo sa COVID-19 na close contact ng patient zero sa UK variant.

Ipinasa na sa Genome Center Philippines ang mga sample ng COVID-19 positives para masuri kung UK variant ang nakahawa sa kanila. - Ludy Bermudo

vuukle comment

LGU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with