^

Police Metro

Deputy chief ng Taguig jail arestado sa rape ng lesbian

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Arestado ang deputy chief ng Taguig City Jail dahil sa panggagahasa umano sa isang lesbian matapos mag-inuman sa loob ng paupahang bahay ng opisyal kamakailan sa Pasay City.

Sinampahan ng kasong rape sa Pasay City Prosecutor’s Office. Kinilala ang inaresto na si Jail Capt. Ramon Carolino ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).  

Nabatid na inaresto si Carolino ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) matapos ireklamo ng 26-anyos na biktima. 

Sa imbestigasyon, sinabi ng biktima na Enero 26 nang yayain siya ng suspek na kanyang kasera sa paupahan na makipag-inuman sa kanya at mga kasamahan na pinagbigyan naman niya bilang pakikisama.  Nang makaalis ang mga kasamahan, tinutukan umano siya ng suspek ng baril at dito na siya puwersahang ginahasa.

Kinabukasan, agad na nagreklamo sa NBI ang biktima. Isinailalim sa medical exam ang biktima at nakumpirma na may laceration sa kaniyang kaselanan. Sinabi pa ng NBI na nagkaroon ng ‘mental trauma’ ang biktima matapos ang kaniyang sinapit.

Sa kaniyang depensa, itinanggi ni Carolino na pinuwersa niya ang biktima at iginiit na ‘consensual sex’ o may pagsang-ayon ang nangyari sa pagitan nila.

vuukle comment

RAPE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with