^

Police Metro

Pulis at militar puwede nang pumasok sa UP

Pang-masa
Pulis at militar puwede nang pumasok sa UP
Nagsagawa ng indignation protest sa loob ng UP Diliman ang mga militante at binatikos ni UP president Danilo Concepcion ang aksyon ng gobyerno na putulin ang UP-DND agreement na nagbabawal sa mga pulis at militar na pumasok sa mga UP campuses.
Ernie Peñaredondo

‘31-taong kasunduan’ tinapos ng DND

MANILA, Philippines — Malaya nang makapapasok ang mga pulis at sundalo sa University of the Philippines (UP) matapos na putulin na ng Department of National Defense (DND) ang kanilang 31-taong kasunduan sa UP na nagbabawal sa pagpasok sa mga campuses ng unibersidad nang walang tamang koordinasyon.

Sa sulat ni Defense Sec. Delfin Lorenzana kay UP Pres. Danilo Concepcion, iginiit nito na ang desisyon ay bunsod sa mga natanggap nilang ulat na may mga komunista ang nanghihikayat ng mga estudyante na sumapi sa kanilang kilusan.

Ani Lorenzana, alam nila ang patuloy na recruitment sa loob ng UP campuses ng CPP-NPA na idineklarang terro­rist organization ng United States, European Union, United Kingdom, Australia, Canada at  New Zealand. Hindi rin aniya maikakaila ang pagdakip sa mga UP students na kumpirmadong miyembro ng CPP-NPA habang ang iba ay napapatay sa military operations.

Kailangan umanong isakprisyo ang mahigit na tatlong dekada na kasunduan para mailigtas ang mga mag-aaral sa itinutu­ring na kalaban ng gobyerno. Isa aniyang hadlang ang nasabing kasunduan para makapagbigay ng seguridad at kaligtasan sa mga mag-aaral.

vuukle comment

DELFIN LORENZANA

DEPARTMENT OF NATIONAL DEFENSE

UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with