^

Police Metro

Duterte nilagyan ng alcohol sa kamay si Wang Yi

Gemma Garcia - Pang-masa
Duterte nilagyan ng alcohol sa kamay si Wang Yi
Sa pagkikita ng dalawang lider, kitang-kita sa video na nag-sanitize muna si Duterte bago niya lagyan ng alcohol ang kamay ni Wang.
FMPRC/Released

MANILA, Philippines — Bago nakipagkamay nang mag-courtesy sa Malacañang nitong Sabado ng hapon ay nilag­yan muna ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte ng alcohol ang kamay ni Chinese Foreign Minister Wang Yi.

Sa pagkikita ng dalawang lider, kitang-kita sa video na nag-sanitize muna si Duterte bago niya lagyan ng alcohol ang kamay ni Wang.

Ginawa rin ito ng pangulo sa iba pang mga opisyal na kasama ng foreign minister.

Si Wang ay nasa bansa para sa dalawang araw na official visit at sa nasabing courtesy call ay nanawagan ang pangulo ng pinalakas na kooperasyon sa China sa gitna ng pandemya.

Nangako rin ang pre­sidente na palalakasin ang pagbangon ng ekonomiya ng parehas na bansa epekto ng pan­demya.

Inihayag naman dito ni Wang na magbibigay ang China ng 500,000 COVID-19 vaccine sa Pilipinas.

vuukle comment

RODRIGO DUTERTE

WANG YI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with