^

Police Metro

Ugnayang Saudi Arabia at Pinas lalong lalakas sa Vision 2030

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines — Ang ugnayan ng Saudi Arabia at Pilipinas ay matagal nang higit pa sa usapin ng paggawa at remittances.

Isa itong relasyong hinubog ng tiwala, pagtutulungan, at ng ambag ng daan-daang libong Pilipino sa pag-unlad ng Kaharian kaya’t malaking oportunidad ang maiaambag ng mga Pilipinong negosyante sa mga institusyong pang-edukasyon, service providers, agri businesses, at maliliit at katamtamang laki ng mga negosyo, bilang bagong yugto sa ugnayan sa Saudi Arabia.

Ayon kay Dr. Jose Antonio Ejercito Goitia, sa isang eksklusibong panayam ng Okaz—ang daily Arabic language newspaper na panahon na upang lampasan ang tradisyunal na ugnayang nakasentro sa pagpapadala ng mga manggagawa at remittances.

Aniya, dapat itong palawakin tungo sa mas malalim na kooperasyon sa pamumuhunan, serbisyo, food security, enerhiya, at human capital development sa ilalim ng Saudi Vision 2030.

“Ang trabaho ang nagsilbing tulay upang mabuo ang tiwala ng ating dalawang bansa, ngunit ang tiwala ang tunay na pundasyon ng ugnayang ito. Ang nakikita natin ngayon ay ang paggamit sa matibay na pundasyong iyon para sa mas mataas na layunin,” ani Goitia.

Sa paglipas ng panahon, naging higit pa sila sa lakas-paggawa at na­ging mahalagang bahagi ng makabagong pag-unlad ng Kaharian.

Para kay Goitia, pagkakataon ito para sa Pilipinas na maging higit pa sa pinagmumulan ng mahuhusay na manggagawa at maging katuwang sa paglikha ng mga bagong oportunidad.

SAUDI ARABIA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with