^

Police Metro

Magkapatid na senior patay sa sunog

Danilo Garcia - Pang-masa
Magkapatid na senior patay sa sunog
Halos abo na ang mga bahay at nadamay ang mga nakaparadang sasakyan sa naganap na sunog kahapon ng madaling araw sa Moriones St., Tondo, Maynila na ikinasawi ng magkapatid na matandang babae.
Miguel de Guzman

MANILA, Philippines — Kahit sa huling sandali ng kanilang buhay ay hindi nag-iwanan ang magkapatid na matandang babae matapos na sila ay makulong sa nasusunog nilang bahay, naganap kahapon ng madaling araw sa Moriones St.,Tondo, Maynila.

Kinilala ang magka­patid na nasawi na sina Flor Hernandez, 88-an­yos at Consorcia Vasquez, 82.

Habang nasugatan naman ang asawa nitong si Santiago Hernandez na nagtamo ng lapnos sa kaniyang balat.

Batay sa ulat, pasado alas-3:30 ng madaling araw nang maganap ang sunog sa bahay ng mga biktima na mabilis na kumalat na kung saan ay na-trap ang dalawang matandang babae.

Sa pahayag ni Lolo Santiago, sinubukan niya pang iligtas at buhatin ang kaniyang misis na si Flor, pati na ang kapatid nito para ilabas pero hindi niya kinaya dahil maging siya ay may edad na.

Nang mapasok ng mga tauhan ng Manila Fire Bureau ang bahay na natupok, unang natagpuan ang isang matandang babae na na-trap sa loob at sumunod ay nakita na rin ang katawan ng isa pang matandang babae.

Alas-4:24 ng mada­ling araw nang maidek­larang under control na ang sunog na kung saan ay umabot sa tatlong bahay at mga sasakyan na nakaparada sa lugar ang nadamay. Patuloy ang imbestigasyon ng otoridad kung ano ang pinagmulan ng sunog.

vuukle comment

PATAY

SUNOG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with