^

Police Metro

P2 bilyong inilaan sa internet services sa rural areas

Gemma Garcia - Pang-masa
P2 bilyong inilaan sa internet services sa rural areas
Ayon kay Senador Sonny Angara, ang first phase ng National Broadband Program (NBP) ay nakapailalim sa P4.5 tril­yong General Appropriations Bill na niratipikahan ng Kongreso notong Miyerkules na dinoble ang badyet ng DICT sa NBP mula sa dating P902.194 milyon sa National Expenditure Program tungo sa P1.9 bilyon.
STAR/File

MANILA, Philippines — Matapos maglaan ang Kongreso ng P1.9 bilyon upang makumpleto ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ay inaasahan nang magkakaroon ng internet services sa malalayong lugar sa kanayunan.

Ayon kay Senador Sonny Angara, ang first phase ng National Broadband Program (NBP) ay nakapailalim sa P4.5 tril­yong General Appropriations Bill na niratipikahan ng Kongreso notong Miyerkules na dinoble ang badyet ng DICT sa NBP mula sa dating P902.194 milyon sa National Expenditure Program tungo sa P1.9 bilyon.

Bukod pa ito sa badyet sa implementasyon ng free Wifi sa public places at sa state universities and colleges (SUCs) programs ng DICT.

Sinabi ni Angara na may mahigpit na panga­ngailangan para sa mabilis, matatag at maaasahang internet connection sa bansa ngunit naging mas kailangan pa dahil napalitan ang pangangailangan ng mamamayan sa ilalim ng new normal.

Mas marami ngayon ang pangangailangan sa internet connectivity dahil wala nang face-to-face transaksiyon sa gobyerno, pribadong sektor at edukasyon.

Tiniyak ng DICT na magkakaroon ng mas murang mabilis at maaasa­hang internet services ang gobyerno upang mabawasan ang ginagastos ng pamahalaan ang internet subscriptions kapag nakumpleto ang unang bahagi ng NBP.

Tinukoy ng ahensiya na gumagastos ang pamahalaan ng P350 kada megabits per second (

Sa pangkaraniwang sukat ng isang ahensiya na nangangailangan ng 100 Mbps na ginagamit ng buong gusali na nagkakahalaga ng P35,000 kada buwan o P420,000 kada taon.

Ayon kay Angara, inaasahan ng DICT na makatitipid ang pamahalaan ng P720 milyon sa internet subscription expense sa unang taon ng implementasyon ng NBP.

Itinaas naman ng DICT  mula sa P250 mil­yon tungo sa P2.667 bil­yon ang pondo para sa libreng WiFi sa public places.

vuukle comment

DICT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with