Pagbubukas ng Magat Dam gates ‘di nagdulot ng malawakang baha sa Cagayan, Isabela — NIA
MANILA, Philippines — “Hindi naging mayoryang dahilan ang pagbubukas ng gate ng Magat Dam sa pagbaha sa Cagayan at Isabela.”
Ito ang pinanindigan ni National Irrigation Administration chief Ricardo Visaya sa House joint panel probe sa malawakang pagbaha sa Cagayan Valley Region sa pananalasa ng bagyong Ulysses.
Sa pagdinig, iprinisinta ni Visaya ang matrix na nagpapakita ng peak water inflow ng Magat Dam mula November 9 hanggang 14 na nasa 7,128 cubic meters per second ngunit nagpakawala lamang ng 6,706 cubic meters per second.
Siniguro rin ni Visaya na nauna na niyang sinabihan ang mga concerned office at maging mga indibidwal na posibleng maapektuhan nito.
“Six hours before release, activate the warning stations. As much as possible, hindi tayo magre-release ng tubig in any dam after 5 o’clock. Ang tina-target natin dito 3 o’clock. We are giving a lead time to all concerned including government offices, LGUs, radio stations, etcetera, six hours para makapag-react sila,” paliwanag pa nito.
“Redundant ang pag-i-inform natin dito. And it is followed by a black and white document. Lahat ng LGUs pumipirma nito. Kaya hindi nila masasabi na hindi sila nai-inform because we have the documents.”
“During the typhoon, [there is] regulation of outflow from the dam to mitigate damage to the downstream. Nire-regulate ‘yan. Hindi ibig sabihin na during that time, biglang nag-release. Mali ‘yun,” tugon pa ni Visaya. - Angie dela Cruz
- Latest