^

Police Metro

Mga solons nagsisimula nang magkawatak-watak

Doris Franche - Pang-masa

MANILA, Philippines — Dahilan sa grupo ni Speaker Lord Allan Velasco na umano ay hindi tumupad sa pangako na magiging “unifying leader” nang tanggalin ang ilang Deputy Spea­kers at nakaamba rin ang panibagong rigodon sa chairmanship ng mga committee sa Kamara ay nagsisimula na umanong magkawatak-watak ang mga mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso.

Bukod pa sa maugong rin ang nilulutong mapalitan si House Majority Leader Martin Romualdez dahilan sa malapit ito kay dating House Speaker Alan Peter Cayetano.

Nabatid na bago pa man nabuo noon ang term sharing agreement sa pagitan nina Cayetano at Velasco ay si Romero na ang napipisil na maging House Majority Leader kung magiging Speaker ang pambato ng PDP-Laban.

Magugunita na sa ila­lim ng nabuong term sharing agreement ay napagkasunduan na tanging sina Cayetano at Velasco lamang ang magpapalit ng puwesto habang walang tatanggalin at hindi gagalawin ang mga Deputy Speakers at Chairman ng mga Committee.

Subalit, nang maupo si Velasco ay kabaligtaran ang nangyari dahil sini­mulan nitong tanggalin sa puwesto ang mambabatas na malapit kay Cayetano sina 2nd District Camarines Sur Rep. Luis Raymund Villafuerte, Deputy Speakers Laguna Rep. Dan Fernandez, Batangas Rep. Raneo Abu at Capiz Rep Fredenil Castro.

vuukle comment

LORD ALLAN VELASCO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with