^

Police Metro

CamSur fire: 7 katao todas sa sunog

Jorge Hallare - Pang-masa

MANILA, Philippines — Hindi na nakalabas ng buhay ang pitong katao kabilang ang isang mag-asawa matapos makulong sa nasusunog nilang apartment sa Zone 3, Brgy. Vinagre, Tigaon, Camarines Sur.

Halos hindi na ma­kilala dahil sa pagkasu­nog ang bangkay ng mag-asawang sina Jason Ver­dejo, 26; at Angelica Cea Verdejo, 23; anak nilang si Arch Jaydon Cea Verdejo, 3; kamag-anak nilang sina Gerard Lee Banaria Cea, 13; Leana Ysabel Banaria Cea,7; Allah Cristina Banaria Cea, na pawang magkakapatid at isa pang hindi nakikilalang biktima.

Sa ulat, alas-11:32 ng gabi nasa kasarapan ng tulog ang mga biktima sa ikalawang palapag nang magsimulang masunog ang kanilang bahay na mabilis kumalat ang apoy at tuluyang nakulong sa loob ng kwarto sa itaas.

Nabatid na bagong lipat lang ang mga biktima sa nasabing apartment kaya’t hindi umano alam ng mga ito ang fire exit.

Agad rumesponde ang mga pamatay sunog ng Tigaon at kalapit bayan, subalit hindi na nailigtas ang mga biktima hanggang tuluyan nang matupok ng apoy.

Sa inisyal na imbestigasyon, nagsimula ang apoy sa unang palapag ng nirerentahang apartment matapos na matumba ang napabayaang kandila.- Doris Franche

vuukle comment

SUNOG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with