^

Police Metro

5,000 biktima ni ‘Rolly’ tatanggap ng suweldo — DOLE

Ludy Bermudo - Pang-masa
5,000 biktima ni �Rolly� tatanggap ng suweldo � DOLE
Sinabi ni Bello na ang mga iha-hire ng DOLE partikular ang mga nasalantang mahihirap tulad ng labandera, tricycle driver, sidewalk vendor, sari-sari store owner ay susuwelduhan para sa pag­lilinis at pagsasaayos ng Catanduanes, sa ilalim ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) program.
STAR/Edd Gumban, file

Tutulong sa paglilinis sa Catanduanes

MANILA, Philippines — Inihayag kahapon ni Labor Secretary Silvestre Bello III na kukuha sila ng nasa 5,000 indibidu­wal na naapektuhan sa pananalasa ng bagyong Rolly sa lalawigan ng Catanduanes para maglinis sa kanilang lugar at sila ay tatanggap na minimum wage salary.

Ayon kay Bello, ma­ka­tutulong ito sa mga mahihirap na naapektuhan ng bagyong Rolly sa ilalim ng “Emergency Employment Program” (EEP) ng Department of Labor and Employment (DOLE).

Sinabi ni Bello na ang mga iha-hire ng DOLE partikular ang mga nasalantang mahihirap tulad ng labandera, tricycle driver, sidewalk vendor, sari-sari store owner ay susuwelduhan para sa pag­lilinis at pagsasaayos ng Catanduanes, sa ilalim ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) program.

 Kailangan lamang aniya, na magsabi sila sa nakasasakop na barangay dahil ipatutupad naman ito  ng DOLE  sa pamamagitan ng local exe­cutives sa Catanduanes na bibigyan ng pondo para sa 15 araw na pasahod sa 5,000 indibiduwal na makakapasok sa programa.

Aniya, minimum pay ang sahod  base sa region, ang matatanggap ng 5,000 workers. Ito’y bilang tugon nila kay Go­vernor Joseph Cua sa hi­ling na tulong pinansiyal para sa pambayad sa mga maglilinis sa sinalantang lugar sa Catanduanes.

Bukod sa Catanduanes, dadalhin din ang TUPAD program sa lalawigan ng Albay, na grabe ring sinalanta ng Bagyong Rolly madaling araw ng Nobyembre 1.

vuukle comment

SILVESTRE BELLO III

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with