2.5 milyong babies madadagdag sa populasyon ng Pinas
MANILA, Philippines — Para sa Malacañang maituturing na isang pagpapala o “blessings” ang nasa 2.5 milyong mga sanggol na inaasahang madadagdag sa populasyon ng bansa sa pagtatapos ng taon.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, bagaman at dapat iplano ang pamilya, hindi naman dapat ituring na bad news ang pagkakaroon ng maraming anak.
“Our greatest resource is still our population. Okay, so we don’t view the children who will be born as a problem; we deal with them as blessing,” ani Roque.
Pero, aminado si Roque na dapat paigtingin ang tulong sa mga mamamayan lalo na yung gustong magplano ng pamilya.
Posible aniya na dahil sa lockdown hindi nakakuha ng mga kailangang gamit o family planning services para hindi mabuntis ang mga mag-asawa o magkarelasyon.
Hindi na aniya ito magiging problema sa ngayon dahil nagbubukas na ang ekonomiya.
- Latest