^

Police Metro

Lalaking naaresto sa droga napatay sa presinto

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang isang lalaki na naaresto sa droga matapos itong mabaril ng pulis sa loob ng Moriones police station habang nag-aagawan ng baril kamakalawa ng gabi.

Inilarawan ang napatay na suspek na nasa edad 35, katamtaman ang pangangatawan, kayumanggi, at may mga tattoo sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Bago naganap ang insidente ay naaresto ang suspek alas-8:50 ng gabi sa Chacon Street, Tondo dahil sa iligal na droga at dinala sa nasabing police station.

Habang pinoproseso, alas-9:15 ng gabi ay bigla umanong nakapaglabas ng kalibre .22 baril ang suspek na itinago sa kaniyang brief at pinaputukan si PCpl Jomar Caligaran na masuwerteng hindi tinamaan.

Nagawang makipagpambuno ng pulis para maagaw ang baril na biglang pumutok at tinamaan ang suspek sa mukha.

Isinugod ang suspek sa ospital subalit hindi na umabot ng buhay.

vuukle comment

DRUGS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with