^

Police Metro

OFWs may naghihintay na 30K trabaho sa BPO

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Inihayag ng Department of Labor and Employment (DOLE) na nasa 30,000 posisyon sa business process outsourcing (BPO) industry o call center ang naghihintay sa mga kuwalipikadong ‘overseas Filipino workers’ na mapababalik sa bansa dulot ng pandemya.

Sinabi ni Labor Asst. Secretary Dominique Tutay na nakatakda silang lumagda sa isang kasunduan sa Information Technology and Business Process Association of the Philippines (IBPAP) para sa paglalaan ng posisyon sa mga OFWs na makakapasa sa pamantayan. 

Tutulong ang DOLE sa pag-asiste sa mga OFWs sa pagkonekta sa kanila sa mga BPO companies at mabigyan sila ng oportunidad na magkaroon ng trabaho sa sariling bansa.

Magbibigay rin ang kagawaran ng database sa mga umuuwing OFWs na interesado at kuwalipikado para sa mga posisyon. 

Ang mga interesadong OFWs ay ire-refer muna sa Technical Education and Skills Development Autho­rity (TESDA) para mahasa ang kanilang kakayahan at iba pang skills para umakma sa hinihingi ng trabaho sa BPO partikular na sa komunikasyon.

vuukle comment

BPO

DOLE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with