^

Police Metro

1-metrong distansya sa sasakyan mananatili

Malou Escudero - Pang-masa
1-metrong distansya sa sasakyan mananatili
Ayon kay Presidential Spokesperson Roque, pinag-aralan ni Duterte ang rekomendasyon ng parehong panig na pabor sa 1-metrong social distancing at mapababa ito upang mas maraming makasakay na pasahero.
STAR/Michael Varcas, file

MANILA, Philippines — Matapos ang magkakaibang pananaw, tinuldukan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga diskusyon matapos siyang magdesisyon na panatilihin sa 1-metro ang agwat o distansya ng mga pasahero sa loob ng mga pampublikong sasakyan.

Ayon kay Presidential Spokesperson Roque, pinag-aralan ni Duterte ang rekomendasyon ng parehong panig na pabor sa 1-metrong social distancing at mapababa ito upang mas maraming makasakay na pasahero.

“Matapos pong pag-aralan ni Presidente ang rekomendasyon ng parehong panig na dapat manatili na one-meter ang social distancing sa pampublikong transportation at ’yung mga nagsasabi na pupwede naman itong pababain basta meron wearing of mask, face shield walang salitaan at walang kain at paggamit ng mga sanitizing dun sa mga pambublikong transportasyon, nagde­sisyon na po ang Presidente kahapon,” ani Roque.

Sinabi ni Roque na mananatili ang isang metrong distansiya at dapat pa ring magsuot ng face mask at face shield ang mga pasahero. Bawal din ang pagsasalita at pagkain ag kailangang i-sanitize ang mga pampublikong transportasyon bilang proteksyon laban sa hawaan sa COVID-19

Inihayag naman ni Transportation Sec. Arthur Tugade na susundin nila ang utos ng Pangulo.

Matatandaan na mula sa 1 metrong distansiya ay binawasan ito at ginawang 0.75 metro ng DOTr na inalmahan ng iba’t ibang sector at ma­ging si Interior Secretary Eduardo Año ang Local Government.- Angie dela Cruz

vuukle comment

PUVS

RODRIGO DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with