^

Police Metro

2,732 pulis na ang positibo sa COVID-19

Doris Franche - Pang-masa
2,732 pulis na ang positibo sa COVID-19
Nasa 1,8000 naman ang gumaling habang inoobserbahan pa ang 764 na pulis na ikinokonsiderang mga probable case at 2,202 na pulis ang suspect case ng COVID -19.
The STAR/ Edd Gumban, file

MANILA, Philippines — Umabot na sa 2,732 ang bilang ng mga pulis na positibo sa COVID-19 nang muling madagdagan ng 111 pa kung saan 43 sa mga bagong nagpositibo ay nakatalaga sa NCRPO, 40 nakatalaga sa PRO4B, 12 sa PRO4A, tig-dalawa sa SAF at ACG.

Habang tig-iisang pulis nakatalaga sa PNP Engineering Service, Headquarters Service, CSG, AVSEG, Maritime group, PSPG, HPG, PRO7, PRO8, PRO9, PRO Cordillera at PRO BAR.

Nasa 1,8000 naman ang gumaling habang inoobserbahan pa ang 764 na pulis na ikinokonsiderang mga probable case at 2,202 na pulis ang suspect case ng COVID -19.

Ibinalita naman ni NCRPO Director Major General Debold Sinas na si PSSg Edgardo DL Medrano, na nakatalaga sa Manila Police District ay binawian ng buhay sa C.T. Reyes Hospital, Tanauan City, Batangas noong August 11 kung saan siya na-confine at sumailalim sa Dialysis.Si Medrano ang pang 13 pulis na namatay dahil sa COVID-19.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with