^

Police Metro

Mas istriktong quarantine sa Metro Manila, nagbabadya

Malou Escudero - Pang-masa
Mas istriktong quarantine sa Metro Manila, nagbabadya
Mahaba ang pila kahapon ng mga pasahero ng MRT-3 sa GMA-Kamuning station matapos bawasan ng pamunuan ang tren dahil sa pumalo na sa 186 ang COVID-19 case sa mga kawani ng MRT.
Michael Varcas

MANILA, Philippines — Kapag ang mga ospital sa Metro Manila ay nakapagtala ng mas mataas na kaso ng COVID-19 ay maaaring bumalik sa “stricter” community quarantine ang Kamaynilaan.

Ito ang inihayag ni Presidential spokesperson Harry Roque, dahil ang National Capital Region (NCR) ay kasalukuyan ngayong nasa General Community Quarantine simula Hunyo, kung saan isinama ang pagpapaluwag sa restriksyon sa public transport at businesses upang makasulong ang ekonomiya ng bansa.

Nauna rito, ang Metro Manila ay isinailalim sa enhanced community quarantine—ang most restrictive form ng lockdown ng mahigit dalawang buwan.

Sinabi naman ng Department of Health (DOH) na pupulungin nito ang mga kinatawan ng mga ospital sa darating na Lunes upang i-check ang situwasyon sa kani-kanilang pasilidad.

Nauna naman nang sinabi ni DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire na hindi pa naman “overwhelmed” ang mga ospital sa Maynila sa COVID-19 cases pero umabot na sa “moderate risk level” ang critical care resources.

vuukle comment

HARRY ROQUE

QUARANTINE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with