^

Police Metro

Misis pinagnakawan, itinulak sa bangin

Tony Sandoval - Pang-masa

MANILA, Philippines — Namatay noon din ang isang 40-anyos na misis matapos siyang itulak sa bangin ng kapitbahay na humablot sa kanyang pera naganap kamakalawa sa Sitio Mayaog, Brgy. Pandan, Real, Quezon.

Ang biktima na na­basag ang bungo at nag­kabali-bali ang mga buto sa katawan ay kinilalang si Flora Ocular. Habang tinutugis ang suspek na si Arjay Tropicales, 26, binata.

Ayon sa ulat ng pulis­ya, bago nangyari ang krimen, alas-6:30 ng umaga ay naglalakad ang biktima na papuntang bayan at binibilang ang pera na P20,000.00 na pambili sana ng Smart TV nang makita ito ng suspek.

Sinundan ito ng suspek at nang magkaroon ng pagkakataon ay sapilitang inagaw ang pera ng biktima at saka itinulak ito sa malalim na bangin na naging dahilan ng agarang kamatayan ng huli.

vuukle comment

KRIMEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with