^

Police Metro

3 Chinese timbog sa Makati sex den

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines — Tatlong Chinese national ang inaresto ng mga otoridad dahil sa ginawang prostitution den ang inu­upahan nilang gusali sa Makati City, kamakalawa.

Kinilala ang mga suspek na sina Zhang Yong, 48; Lai Jin Cheng Yuan, 29; at Yin Yuan Sheng, 33, pawang okupante ng  JKL Bldg. Guanzon Street, Barangay Poblacion, Makati City. Sa ulat, alas-4:00 ng hapon nang salakayin ng mga otoridad ang nasabing gusali matapos ininguso ito ng may-ari ng gusali na si Susan Lim na ginawang prostitution den ang ika-walong palapag o rooftop ng gusali.

Nadiskubre na ginagamit umanong showroom ng mga babaeng prostitute ang rooftop habang sa iba’t ibang silid naman na may mga kama, unan at narekober ang mga kahon at nakaplastic na mga condom at iba pang sex paraphernalias.

Nag-alok pa umano ang mga suspek ng P100,000 kapalit ng hindi pagsasampa ng kaso laban sa kanila na tinanggihan ng mga otoridad at kinasuhan na ang mga ito.

vuukle comment

PROSTITUTION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with