^

Police Metro

Secretary to the mayor sa Cotabato patay sa ambush

Rhoderick Beñez - Pang-masa

MANILA, Philippines — Hindi na umabot nang buhay sa Cotabato Regional and Medical Center (CRMC) ang dating broadcaster at ngayon ay executive secretary ni Cotabato City Mayor Cynthia Guiani-Sayadi matapos siyang barilin habang kumakain sa isang ka­rinderya kahapon ng umaga sa Notre Dame Avenue, Cotabato City.

Kinilala ang biktima na si Aniceto “Boy” Rasalan, 58, dating reporter ng DXMS-AM ng Notre Dame Broadcasting Corporation, at secretary to the mayor.

Sa ulat, alas-830 ng umaga habang kumakain ang biktima sa isang ka­rinderya sa Notre Dame Avenue nang lapitan ng dalawang suspek at agad siyang pinagbabaril sa ulo at katawan. Nang bumagsak ang biktima, mabilis na tumakas ang dalawang suspek lulan ng motorsiklo.

Nabatid na noong Hulyo 25, 2015 ay tinambangan na rin ang biktima pero nakaligtas at ang pag-ambush sa kanya kahapon ang tumapos sa buhay nito.

Iniimbestigahan pa ang motibo sa pagpatay sa opis­yal.

vuukle comment

AMBUSH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with