^

Police Metro

10 Baragay sa Navotas isinailalim sa ECQ

Doris Franche - Pang-masa

MANILA, Philippines — Sa kabila ng pagde­deklara ng modified enhanced community quarantine sa Metro Manila, isinailalim naman ni Navotas City Mayor Toby Tiangco simula ngayong araw sa enhanced community quarantine (ECQ) ang 10 barangay sa lungsod na may matataas na kaso ng COVID-19.

Ayon kay Tiangco, sa RIATF NCR Resolution No. 3, pinayagan ang lungsod na isailalim sa ECQ ang mga Barangays NBBS Dagat-Dagatan, NBBS Kaunlaran, NBBS Proper, San Jose, NBBN, Sipac Almacen, Daanghari, Tangos North, Ta-ngos South, at San Roque. Tatagal ang ECQ dito hanggang Mayo 31.

Ang mga residenteng tanging may mga may hawak ng home quarantine pass (HQP) ang makala-labas para mamili ng pa-ngangailangan. Walang bagong HQP na maaaring iisyu ang barangay at pa­tuloy na ipatutupad ang MWF/TThS schedule ng pamamalengke.

Aniya, ang HQP ay may bisa lamang para sa pamimili ng pagkain, grocery, gamot at iba pang pangangailangan. Ito ay maaari lamang gamitin sa araw ng schedule ng barangay. Ang mga essential workers o mga manggagawang exemp­ted ng IATF, tulad ng mga nagtatrabaho sa fishport ay maaari pa ring pumasok sa trabaho dala ang kanilang company ID o certificate of employment.

vuukle comment

ECQ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with