^

Police Metro

17 miyembro ng banda na tumutugtog sa libing, dinampot

Christian Ryan Sta. Ana - Pang-masa

MANILA, Philippines — Labimpitong miyembro ng banda ang inaresto ng pulisya makaraang labagin umano ng mga ito ang ipinaiiral na modefied enhanced community quarantine (MECQ) sa Gapan, Nueva Ecija, kamakalawa ng hapon.

Ang mga nadakip ay sina Aries Matias, 36, may-asawa, isang band master; at mga miyembro ng kanyang banda na sina July Rivera, 27; Eduardo Matias, 55; Jon Aries Bagay-bagayan, 31; Christine Santiago, 25; Ismael Bechayda, 36; Robertson Jimenez, 21; Richard Quijano, 34; at Angelo Sison, 23, pawang mga taga-Barangay San Nicolas, Gapan City.

Kasama rin sa mga hinuli ay mga ka-band member nila na sina Mark Capinlac, 27; at Anthony Capinlac, 28, ng Barangay San Vicente;  Gervie Constantino, 20; Jeremie Constantino, 18; Jon-Jon Collado, 36; Joel Datos, 44, pawang mga taga-Barangay Sto. Niño, Gapan City.

Inaresto rin ang dalawang drayber ng grupo na sina Victor de Guzman, 48, at Angel Domingo, 43, kapwa ng Barangay San Nicolas.

Nabatid na ang mga musikero ay nahuling tu­mutugtog sa libing ng isang patay na patungo sa Gapan City Public Cemetery sa Barangay Mangino, nang pigilin ng mga otoridad sa isang checkpoint, bandang ala-1:30 ng hapon noong Huwebes.

Kakasuhan ang mga suspek ng kasong pag­labag sa article 151 ng revised penal code (disobedience) kaugnay ng pinaiiral na MECQ sa lalawigan.

vuukle comment

MECQ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with