^

Police Metro

4 na car dealer itinumba ­

Raymund Catindig, Victor Martin - Pang-masa

MANILA, Philippines — Apat na pinaniniwalaang car dealer ang walang-awang itinumba bago isinilid ang kanilang mga bangkay sa isang kotse at iniwan sa sementeryo ng Barangay Villarey, Piat, Cagayan.

Kinilala ng pulisya ang napaslang na mga biktima na sina  Christian Kaibigan, residente ng Balin­tawak; Joel Bolado, residente ng Tanguay Loob, kapwa mula Lipa City, Batangas; Michael Eugine Romero, residente ng Masbate St. Bago Bantay, Quezon City at Rommuel Quinan na residente naman ng Avenue East Rembo, Makati City at Fairview Quezon City.

Agad namang naaresto ang dalawa sa apat na suspek na kinilalang sina Joey Bargado, konsehal ng Amulung, Cagayan; Jojo Vergara, ng Tuguegarao City habang pinaghahanap ang dalawang kasabwat sa pagpatay. 

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya na Mayo 18, 2020 ng umaga nang umalis sa Lipa City sina Joel at Christian kung saan dinaanan naman sina Michael at Rommel sa Manila para i-deal ang isang To­yota Fortuner (DAJ 7470) sa lalawigan ng Cagayan.

May 19 ng gabi nang makipag-inuman umano ang mga biktima sa isang warehouse sa bayan ng  Amu­lung, subalit kinaumagahan ay natagpuan na lamang ang kanilang bangkay na may mga tama ng bala sa loob ng isang Honda City (DAD 3558) malapit sa sementeryo sa bayan ng  Piat kung saan dalawa sa kanila ay isinako at ini­lagay sa likod ng sasakyan.

Agad natunton ng pulisya ang warehouse batay sa ipinadala na larawan ng asawa ng isa sa mga biktima kung saan nakuhanan niya ang lugar kung saan sila nag-iinuman at ang mga kasamahan bago sila mapaslang.

Carnapping at double cross ang sinisilip ng pulis­ya na motibo sa nasabing krimen.

vuukle comment

CAR DEALER

KRIMEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with