^

Police Metro

Lalaki na nagbanta na pasasabugin ang quarantine checkpoint, tiklo

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines — Bagsak kalaboso ang isang 27-anyos na lalaki matapos itong magbanta sa social media na pasasabugin niya ang isang quarantine checkpoint sa Meycauayan City Bulacan.

Kinilala ang naarestong suspek na si Abram Jacob Vibar, ng Bocal Street, Brgy. Lawa, Meycauayan City, Bulacan.

Batay sa ulat, dakong alas-8:30 ng umaga nang maaresto ang suspek sa quarantine checkpoint sa Barangay Lawa Control Point, Meycauayan City Bulacan.

Sinita ng mga otoridad ang suspek nang tangkain lumusot sa checkpoint.

Sa isinagawang beripikasyon ng mga otoridad natuklasan na ang suspek ang nag-post ng comment sa Facebook na bobombahin nito ang quarantine checkpoint gamit ang liquefied petroleum gas (LPG).

Agad inaresto ng mga otoridad ang suspek at dinala sa himpilan ng pulisya at sinampahan ng kaso.

vuukle comment

SOCIAL MEDIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with