^

Police Metro

SC associate justice nag-online retirement

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Mailalagay sa kasaysayan ng Korte Suprema ang kauna-unahang pagreretiro ng isang Associate Justice sa pamamagitan ng online retirement ce­remony.

Dumalo ang lahat ng miyembrong mahistrado ng SC sa online retirement rites at nagpahatid ng kanilang pagbati kay Associate Justice Andres Reyes Jr. na ipinagdiwang nitong Lunes ang kanyang ika-70 kaarawan na siyang “mandatory retirement age” ng mga mahistrado.

Ang ‘online set-up’ ay ginagawa na rin ng Korte Suprema sa kanilang mga ‘en banc sessions’ bilang pagtalima sa ‘enhanced community quarantine (ECQ)’ sa Metro Manila.

Itinalaga si Reyes sa Korte Suprema ni Pangulong Rodrigo Duterte na siyang pumalit sa noo’y nagretiro na si Associate Justice Bienvenido Reyes.

Nabatid naman na noon pang Marso 3 binuksan ng Judicial and Bar Council (JBC) ang pagpaparehistro at aplikasyon sa mga gustong maging mahistrado dahil sa pagkakaroon ng bakante.

Itinakda ang panayam sa mga kandidato nitong Marso 18-19 ngunit naantala ito nang abutan ng lockdown. Dito nagkasundo ang JBC na gawin na lamang ‘online’ ang panayam para makapili na sila ng ‘shortlist’ at agad nang maipadala sa Office of the President.

vuukle comment

KORTE SUPREMA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with