^

Police Metro

5 barangay chairman sa Maynila na inireklamo sa katiwalian sa relief inimbestigahan ng pulisya

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Limang barangay chairman sa Maynila ang isinailalim sa imbestigasyon ng Manila Police District dahil sa mga sumbong ng katiwalian sa pamamahagi ng ayuda at food packs sa kanilang nasasakupan.

Kinilala ang mga ito na  sina Punong Barangay (PB) Erwin Catacutan Jr. ng Brgy. 62 Zone 6 District 1, PB Rodrigo Villarde ng Brgy. 71 Zone 6 District 1, PB Edgardo Fojas ng Brgy. 61 Zone 5 District 1, PB Joey Uy Jamisola ng Brgy. 306 Zone 30 District 3 at PB Irene Padasas ng Brgy. 43 Zone 3 District 1.

Ipinag-utos na ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso kay MPD Special Mayor’s Reaction Team (SMART) chief PMajor Rosalino Ibay Jr. ang pagsasagawa ng imbestigasyon sa mga posibleng kasong kriminal na kinasasangkutan ng mga opisyal.

Nabatid na ang imbes­tigasyon ay buhat sa rek­lamo ng mga nasasakupan ng mga barangay chairman ukol sa mga sinasabing anomalya sa ‘financial assistance’ at relief packs na hindi nakakarating o kaya naman ay kulang-kulang.

Posibleng maharap ang mga opisyal sa mga kasong paglabag sa Sec 6 Paragraph A of RA 11469 o ang “Bayanihan to Heal as One Act”; RA 3019 o ang Anti-Graft and Corrupt Practices Act; RA 6713 Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees na may relasyon  sa City Ordinance No. 8638 (MDSW for welfare goods expenses).

Magugunita na una nang pinadalhan ng ‘show cause order’ sa higit 40 na opisyal ng barangay ni Mayor Isko.

vuukle comment

MANILA POLICE DISTRICT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with