^

Police Metro

2 MMDA traffic enforcer timbog sa kotong sa 2 food delivery riders

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines — Arestado ang dalawang traffic enforcer ng Metro Manila Development Authority (MMDA) matapos umanong mangotong ng dalawang food delivery motorcycle rider sa Makati City nitong Biyernes ng hapon.

Kinilala ang mga suspek na nahaharap sa kasong robbery extortion na sina Darwin Reyes, 47, ng Pantoc, Binangonan, Rizal at Elmer Balunsat, 38, kapwa MMDA traffic constable.

Sa ulat, dakong alas-5:00 ng hapon noong Abril 17, 2020 nang maganap diumano ang pangongotong sa EDSA Ayala Southbound loading/unloading bay, sa Brgy. San Lorenzo, Makati City.

Sa reklamo nina Francis Vincent  Peria,  26,  ng 225 15-A Bautista Compound, Brgy. 793, Manila at Nino Paulo Aguda, 30, ng Block 10, Lot 29, Schubert St., North Olympus, Brgy. Kaligayahan, Quezon City, magdedeliber sana sila ng pagkain sa nasabing lungsod nang pagsapit nila sa nasabing lugar ay pinara sila at sinita ng dalawang traffic enfrocer.

Hindi umano sila pinadadaan kung hindi magbibigay ng pera kaya napilitan silang mag-abot sa dalawa.

Nang makalagpas ang dalawa ay nakita nila ang grupo ng pulis na nagsasagawa ng “Oplan Sita” sa Arnaiz corner Park Square Drive at isinuplong ang dalawang kotongero. Positibo nilang itinuro ang dalawa na ang isa ay nanghingi ng P500 habang ang isa ay P100 sa mga riders.

Narekober ang extortion money sa dalawang traffic enforcer nina P/Executive Master Sergeant Daniel Cempron at P/Corporal Alvin Batbat ng Makati Police Sub-Station 5.

vuukle comment

KOTONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with