^

Police Metro

Death toll sa COVID sa Pinas, 136; mahigit 3,000 katao ang positibo

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Mahigit 3,000 na ang mga nagpositibo sa coronavirus disease (COVID-19) sa Pilipinas habang pumalo sa 136 ang bilang ng mga nasawi sa virus, base sa pinakahuling datos ng Department of Health.

Alas-4 ng hapon kahapon, naitala ang panibagong 385 positibong kaso kaya tumaas ang bilang sa 3,018. Binigyan sila ng patient numbers na PH2643 hanggang P3018.

Samantala, nasa 29 ang bilang ng mga bagong nasawi sa sakit kaya umakyat ang datos sa 136 deaths. Ito na ang pinakamalaking bilang ng mga nasawi sa virus na naitala ng DOH sa loob ng isang araw. Mabagal pa rin naman ang paggaling ng mga pasyente nang isa lang ang naidagdag sa mga na­karekober para pumalo ang numero ng recoveries sa 52.
Samantala, nakatakdang aprubahan na rin ang lima pang laboratoryo bilang testing centers. 

Nasa Stage 4 na ang akreditasyon ng Bicol Public Health Laboratory, Victoriano Luna Hospital, St. Lukes Medical Center (Quezon City at Taguig City) at The Medical City. May 35 pang laboratoryo at ospital ang nagsumite ng aplikasyon at nasa Stage 1-3 na ang aplikasyon.

Related video:

vuukle comment

CORONAVIRUS DISEASE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with