^

Police Metro

Maynila at Pasay isinailalim sa state of calamity

Ludy Bermudo, Danilo Garcia - Pang-masa
Maynila at Pasay isinailalim sa state of calamity
Sinusuri ng mga pulis ang temperature ng mga indibidwal na dumadaan sa checkpoint sa kahabaan ng Batasan-San Mateo road sa pagsisimula kahapon ng community quarantine dahil sa banta ng COVID-19.
Walter Bollozos

MANILA, Philippines — Isinailalim kahapon ang lungsod ng Maynila at Pasay sa “state of cala­mity” kasunod na lumala­lang sitwasyon sa pagkalat ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Sa Resolution No.75 na pirmado ni Manila Councilor Ernesto Isip Jr., ay naglalagay sa lungsod sa “state of calamity”.

Una nang inaprubahan ni Mayor Isko Moreno at ng Sanggunian ang ilang ordinansa na may kaugnayan sa pagkontrol sa COVID-19, kabilang dito ang Ordinance No. 8616 na nagtatakda sa curfew mula alas-8:00 ng gabi hanggang alas-5:00 ng madaling araw.

Pinirmahan din ni Pa­say City Mayor Emi Calixto ang resolusyon ng konseho na isailalim sa “state of calamity” ang lungsod dahil sa naitalang 30 persons under monitoring, 9 na persons under investigation at pagkasawi ng 2 residente.

Sa ilalim ng state of calamity, maaari nang gamitin ng lokal na pamahalaan ang calamity fund, at maipagbawal ang pagtaas ng presyo ng mga pangunahing pangangailangan.

Paiiralin na rin nga­yong araw ang 8:00 PM- 5:00 AM na curfew sa lungsod.

vuukle comment

COVID-19

STATE OF CALAMITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with