^

Police Metro

Pulis, binoga pa ng karibal

Ludy Bermudo - Pang-masa

Nobya tiklo na may kasiping

MANILA, Philippines — Isang pulis ang sugatan matapos na mabaril sa hita ng lalaking inabutan niyang katabi sa higaan ng kanyang nobya sa Tondo, Maynila, kahapon ng madaling araw.

Nasa ligtas nang kalagayan sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center (GABMMC) ang sugatang si P/Chief Master Sgt. Edgardo Balabay, nakatalaga sa Manila Police Diostrict-Station 7, sa J. Abad Santos Avenue, Tondo habang ang suspek sa pamamaril ay nakilalang si Geraldo Millares, driver, may live-in partner, at residente ng Rawis St., Tondo.

Naganap ang insidente sa Rawis St., Road 10, sakop ng Barangay 123, Tondo.

Sa impormasyon, ang biktima ay nagtungo sa bahay ng nobya, na sinasabing live-in partner nito subalit nasorpresa siya nang datnan ang huli na katabi sa pagtulog ang suspek na residente rin ng Rawis St. Sa pagkabigla at galit na naramdaman ay binunot ang baril at tinangkang paputukan si Millares subalit nagmintis ito at hindi na nakaputok pa ang pulis. Dahil nakakuha ng pagkakataon ang suspek ay naagaw niya ang baril at saka pinaputukan ang nasabing pulis bago tumakas.

vuukle comment

GABMMC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with