Lotto at STL pinakamalaking revenue generators ng PCSO
MANILA, Philippines — Ang lotto games at Small Town Lottery (STL) ang nananatiling pinakamalaking revenue generators ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), upang patuloy na makapagkaloob ng tulong sa mga pasyenteng walang pampagamot at mga biktima ng kalamidad.
Ayon kay PCSO General Manager Royina Garma, nananatiling mahalaga ang lotto games, at STL sa pagsustena sa kita ng ahensiya na nagkaroon ng bahagyang pagbaba noong nakaraang taon.
Ani, Garma, ang lotto games ay kumita ng P21 bilyon habang ang STL ay kumita ng P19 bilyon sa buong 2019.
Kung ikukumpara noong nakalipas na 2018 ay bumaba ng bahagya ang kita ng PCSO, makaraang mapanalunan ang P1.8 bilyong jackpot prize.
Una na ring sinabi ng PCSO na target nilang bumuo ng mga bagong palaro upang makadagdag at makabawi sa kita, na siya nilang gagamitin sa kanilang pagka-kawanggawa.
- Latest