^

Police Metro

Mga pulis na ‘may sabit’ ang sasakyan kakasuhan

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines — Sasampahan ng kaukulang kaso at posibleng masibak sa puwesto ang sinumang pulis na gumagamit ng sasakyan na nahuli o narekober sa mga police operation.

Ito ay kasunod ng direktiba ni PNP Chief P/Lt.General Archie Gamboa na magsagawa ng “Oplan VISERON o ang Intensified Police Operation against PNP and NUP personnel violating Traffic Rules and the New Anti-Carnapping Law).

Layunin ng inspeksiyon na kasuhan ang mga pulis at kumpiskahin ang mga sasakyan na may paglabag sa batas kung saan kabilang sa target ang mga walang rehistro (OR-CR), lisensiya at helmet.

Unang ipinatawag ang lahat ng operatiba ng NCRPO para magreport alas-4:00 ng madaling araw kahapon at pagkatapos ng flag raising ceremony ay agad ipinatupad ang inspeksiyon ni NCRPO director P/Brig. General Debold Sinas.

Hindi pinayagan ang sinumang may dala ng motorsiklo, scooter, kotse at iba pang sasakyan na makalabas kung hindi pa dumaan sa proseso ng inspeksiyon ng mga tauhan ng Highway Patrol Group (HPG) at Integrity Monitoring and Enforcement Group (IMEG) na dating CITF.

vuukle comment

ARCHIE GAMBOA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with