^

Police Metro

Hostel sa Makati ginagawang drug den

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang report ang bineberipika ngayon ng mga otoridad tungkol sa isang hostel sa Makati na umano ay ginagawang drug den at pinamumugaran ng mga nagbebenta ng “ecstasy” lalo na tuwing sumasapit ang gabi.

Lumilitaw na madalas ang pagkakaroon ng heavy activity sa tuktok ng gusali na kung saan nangyayari ang bentahan ng mga party drugs at high grade ecstasy in liquid form na kinalolokohan ng mga parokyano.

Natuklasan pa na hawak umano ito ng isang abugado na may sarili umanong opisina sa loob ng naturang hostel na pinaniniwalaang nasa hanay ‘di umano ng mga “untouchables” kaya’t ilang taon na ring namamayani ang iligal na operasyon ng naturang hostel. Nagagamit din umano ang nasabing hostel sa POGO kung kaya’t kapansin-pansin ang pagdami ng mga Chinese nationals sa loob ng gusali. Kaya’t kinakalampag ang pamunuan ng PDEA at PNP na agad kumilos para matigil na umano ang iligal na aktibidad sa lugar.

vuukle comment

ECSTASY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with