^

Police Metro

Bus vs van: 5 todas, 11 sugatan

Tony Sandoval - Pang-masa

MANILA, Philippines — Limang katao ang nasawi habang 11 ang nasugatan matapos magsalpukan ang isang pampasaherong bus at isang closed delivery van, kamakalawa ng hapon sa Maharlika Highway, Diversion Road, Upper Sapinit, Barangay Silangang Malicboy, Pagbilao, Quezon.

Ang limang nasawi ay pawang mga pasahero ng CUL Bus (EVT-371) na patungong Visayas at isa sa mga nasawi ay kinilalang si Ma. Analoyd Po, 24, ng Tacloban City, habang inaalam pa ang pagkakakilanlan ng apat na iba na dalawang lalaki, isang menor-de-edad na lalaki at isang babae.

Sa ulat ng pulisya, bago naganap ang aksidente, alas-4:30 ng hapon ay binabagtas ng Mitsubishi Fuso Aluminum Elf closed van na minamaneho ni Sander Soliverez , 30 ng Caloocan City ang kahabaan ng highway patungo sa direksyon ng Maynila.

Pagsapit sa kurbada ay sinakop nito ang kaliwang bahagi ng kalye kung kaya’t nasalpok ang kasalubong na bus na minamaneho ni Reynaldo Sampilo, 49.

Ang mga biktima ay dinala sa Quezon Medical Center (QMC), subalit sa daan pa lamang ay nalagutan na ang mga ito nang hininga.

Habang patuloy na nilalapatan ng lunas ang 10 nasugatan na pasahero at ang driver ng van ay ginagamot naman sa MMG Hospital sa Lucena City dahil sa tinamong mga sugat sa iba’t ibang parte ng katawan.

vuukle comment

PAMPASAHERONG BUS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with