^

Police Metro

2 holdaper todas sa engkuwentro

Ludy Bermudo - Agence France-Presse
2 holdaper todas sa engkuwentro
Sa ulat, bago naganap ang magkasunod na engkuwentro alas-10:30 ng gabi at alas-11:20 ng gabi ay nagpapatrulya ang mga pulis nang may makapagsabi sa kanila na may nagaganap na holdapan sa erya ng Blumentritt kaya’t ito ay nires­pondehan at itinuro ang kinaroonan ng dalawang suspek sa T. Mapua St.
File

MANILA, Philippines — Kapwa idineklarang dead on arrival ang dalawang lalaki na umano ay miyembro ng hold-up gang matapos manlaban sa mga pulis na sisita lamang sa kanila, kamakalawa ng gabi sa Sta. Cruz, Maynila.

Ang mga nasawi ay kinilalang sina Rodel Vicente, 33, ng Antipolo St., Sta. Cruz, Maynila; at Antonio Yap, 45, ng Baseco, Port Area, Maynila.

Nilalapatan naman ng lunas sa ospital ang nasugatang pulis na si Corporal Edgil Bombase, nakatalaga sa MPD-Station 3 dahil sa tinamong apat na bala sa tiyan.

Sa ulat, bago naganap ang magkasunod na engkuwentro alas-10:30 ng gabi at alas-11:20 ng gabi ay nagpapatrulya ang mga pulis nang may makapagsabi sa kanila na may nagaganap na holdapan sa erya ng Blumentritt kaya’t ito ay nires­pondehan at itinuro ang kinaroonan ng dalawang suspek sa T. Mapua St.

Sa ulat ni P/Master Sergeant Jansen Rey San Pedro kay MPD-Homicide Section chief, P/Captain Henry Navarro, ang magkasunod na engkwentro ay naganap dakong alas 10:30 ng gabi nang maganap ang engkwentro sa riles ng Philippine National Railways (PNR) sa bahagi ng T. Mapua at Antipolo  Sts., Sta. Cruz, Maynila nitong Miyerkules (Dis. 11) at alas 11:20 ng gabi sa harapan ng Jose Reyes Memorial Medical Center (JRMMC) sa Rizal ­Avenue, Sta. Cruz.

Nang lalapit ang mga pulis ay agad na silang pinagbabaril ng mga suspek at tinamaan si P/Cpl. Bombase sa gitna ng palitan ng putok hanggang sa tumumba si Vicente at nakatakas naman si Yap sa direksiyon ng Rizal Avenue.

Agad nagsagawa ng dragnet operation ang mga pulis laban kay Yap sa pamamagitan ng Oplan Sita at nakita ang huli na papara­ting kaya’t nang lalapitan  ay pinutukan sila ni Yap.Gumanti ng putok ang mga pulis at tinamaan sa noo si Yap na nasawi habang dinadala sa ospital.

vuukle comment

HOLDAPER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with