^

Police Metro

Solon asam ang guilty verdict sa Maguindanao massacre suspects

Gemma Garcia - Pang-masa
Solon asam ang guilty verdict sa Maguindanao massacre suspects
Ayon kay Mangudadatu, dahil pumayag ang Korte Suprema sa live media coverage sa pro­mulgation ng kaso sa Dis­yembre 19 ay pahiwatig na guilty ang magiging hatol ng judge sa mga suspek.
John Unson/File

MANILA, Philippines – “Guilty”

Ito ang inaasahan at asam na mangyayari ni Maguindanao Rep. Toto Mangudadatu sa magi­ging hatol sa mga suspek sa 2009 Maguindanao massacre sa susunod na linggo.

Ayon kay Mangudadatu, dahil pumayag ang Korte Suprema sa live media coverage sa pro­mulgation ng kaso sa Dis­yembre 19 ay pahiwatig na guilty ang magiging hatol ng judge sa mga suspek.

Ang misis, dalawang kapatid ni Mangudadatu ay kabilang sa 53 ka­taong napatay na ang 32 dito ay mamamahayag noong Nobyembre 23, 2009  Maguindanao massacre.

Nilinaw naman nito na hindi niya sinasabi na guilty na ang  magiging hatol  ng korte dahil lang sa desisyon ng Korte Suprema na live coverage.

Inaasahan naman ng kongresista na sakaling mahatulang guilty ang mga suspek ay magpapasaklolo ang mga ito sa Court of Appeal (CA) at Korte Suprema na posibleng guluhin umano para ma-pressure ang mga mahistrado.

Habang siya at pamil­ya ng mga biktima na naghihintay ng pabora­bleng desisyon na hatol ng korte laban sa mga suspek ay magiging mai­ngat umano sila at dahil maraming pagtatangka na umano na dukutin ang kanyang mga anak.

Iginiit ni Mangudadatu na ang kanyang pana­nampalataya na lamang ang kanyang kinakapitan para malampasan ang 10 taong paghihintay para makuha ang hustisya lalo na umano at isa lamang siya na nagpapalaki ng kanyang mga anak.

vuukle comment

TOTO MANGUDADATU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with