^

Police Metro

DOTr: Water jeepney, aarangkada na!

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Ngayong araw na ito ay iniulat ng pamunuan ng Department of Transportation (DOTr) na aarangkada ang water jeepney.

Sa pagsisimula ng biyahe ay isang buwan muna na magbibigay ng libreng sakay bilang pamaskong handog ng DOTr, MARINA, PCG, PPA at lokal na pamahalaan ng Cavite sa publiko.

Ang naturang water jeepney na inilunsad ng DOTr-Marina ay upang mapaikli ang biyahe mula Cavite hanggang Maynila at pabalik, ng mula sa dating 3-4 oras ay maging 15-20 minuto na lamang.

Kabilang sa magiging ruta nito ay Cavite City Port Terminal - Cavite City Hall patungong CCP Port gayundin sa Liwasang Bonifacio at pabalik.

Layunin ng programa na bigyan ng alternatibo at mas kumportableng paraan ng pagbiyahe ang mga kababayan nating taga-Cavite.

Kumpiyansa si DOTr Secretary Arthur Tugade na makatutulong ang pagbubukas ng naturang ferry boat service sa pagpapaluwag ng daloy ng trapiko sa Metro Manila dahil magkakaroon na ang publiko ng opsyon para sa water transportation.

Ang pamasahe mula CCP hanggang Cavite at pabalik ay nasa P200, P160 sa estudyante, P143 naman kapag senior citizen at P125 kapag bata na nasa edad apat hanggang 11-taong gulang.

Ang ruta naman na Cavite to Lawton at pabalik ay P160 ang pamasahe, P128 kapag estudyante, P114 kapag senior citizen at P80 kapag bata na edad 4 hanggang 11.

vuukle comment

WATER JEEPNEY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with