^

Police Metro

Duterte titigil lang sa pagmo-motor kapag patay na

Rudy Andal - Pang-masa
Duterte titigil lang sa pagmo-motor kapag patay na
Sa kabila ng aksidente nito sa motorsiklo noong October sa Malacañang Park matapos siyang sumemplang ay muli itong nagmotorsiklo makaraan ang isang linggo kasama si Sen. Bong Go.

MANILA, Philippines — “Kung wala na ring kaligayahan ‘yung buhay mo, wala ka na rin magawa, buti pa mamatay ka”.

Ito ang sinabi kahapon ni Pangulong Duterte sa exclusive interview ng ­Unang Hirit na titigil lamang siya sa pagmomotorsiklo kapag patay na siya.

Sinabi pa ng Pangulo na ang gusto niyang matanggap na regalo nga­yong Pasko ay motorsiklo pa din.

“Kung puwede sana motor,” sagot ng Pangulo nang tanungin nina Arnold Clavio at Susan Enriquez kung ano ang gustong regalo nitong matanggap ngayong Pasko.

Sa kabila ng aksidente nito sa motorsiklo noong October sa Malacañang Park matapos siyang sumemplang ay muli itong nagmotorsiklo makaraan ang isang linggo kasama si Sen. Bong Go.

Inamin din ng 74-an­yos na Pangulo na tuwing umaga ay may stretching exercise ito upang maging healthy ang kanyang mga joints.

vuukle comment

RODRIGO DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with